And malayo sa title ang sasabihin ko XD. So kahapon kasi napagisipan kong i-fit yung uniform ko and nagulat ako. Ang luwag ng uniform ko! wahahaha! Natuwa ako ng bongga kahapon. As in maluwag. Medyo nagpanic din ako kasi baka June 4 pasukan namin and next next week na yun, ayoko naman pumasok ng school na maluwag palda ko. Edi tumakbo ako kay ate, sabi ko “‘te! ang luwag ng uniform ko!” tumingin sya saken tapos ang sabi ba naman, ”ok lang yan. tataba ka ulit pagdating ng pasukan.” Tengene. Ganda na ng mood ko kahapon eh tapos biglang sasabihan ka na tataba ka ulit?
Tapos maayos na din yung mga gamit ko para sa school. Actually last week pa ready. Excited eh. Hehe. Pero hindi naman ganun ka-excited kasi hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung anong section ko. Excited ako na ninenerbyos. Baka kasi yung magiging adviser ko ay isang tigre. Mahirap na nga ang 3rd year, sana naman wag pa dagdagan ng mala-tigreng adviser.
So far yun palang naman ang nangyayari sa saglit na hindi ko pagpopost ng ilang araw.
So, brigada kanina and nagpapasalamat ako na hindi sa classroom ni Mrs. Darantino ako naglinis. Medyo late na din kasi kami dumating and buti na lang may naglilinis na sa classroom nung teacher na yun. Kaya yung nilinisan naming room is yung kay Sir Vallejos. Siya favorite teacher ko sa mga 3rd year teachers kasi mabait siya and yung tinuturo nya is favorite subject ko din which is math. Umakyat kami sa 2nd floor and tumambay kami dun sa labas ng room nya and nung dumating sya sabi nya ” Kinsa molimpyo sa akong room?” (meaning: sino maglilinis sa room nya?). Nagtakbuhan kami sa loob and pumila para masulat name namen dun sa log sheet nya. tapos nung nagconfirm na sya kung sino yung maglilinis tiningnan ko yung room. My gad! Ang dumi! Grabe yung layer nung alikabok. Sabi ni sir, ok lang daw kahit di masyadong kumikintab basta mawala yung alikabok kasi first day pa lang naman daw. Ang ginawa namen nagbunot kami tapos winalis namen. Kelangan pang ulitin kasi super grabe talaga yung alikabok. Nung malapit ng mag-12 bumalik si sir tapos binigay yung mga certificate of participation. super pasalamat kami kay sir kasi di nya kami masyadong pinahirapan. After nun umuwi kaming lahat para kumain then bumalik ulit sa school para makapag-enroll. ang daming nag-enroll pero nakipagsiksikan kami para lang dun. Kumuha kami nung enrollment slip para ifill-up then may part dun na nakalagay “for new students” so hindi ko sinagutan. Nung ibibigay ko na kay Mrs. Cuizon sabi nya “Nganu mang wa man nakabutang diri?” (meaning: bakit walang nakalagay dito?) so sabi ko “eh kasi mam nakalagay for new students eh old student ako” tinginan mga tao saken eh. Si Mrs. Cuizon kasi ay isa dun sa mga terror teachers ng 3rd year. Nagulat sila na sinagot ko si mam. So, nilagyan ko na lang para walang ng problema. Then nung ibibigay ko na kay mam, kung makatingin saken parang galit eh. Sinabi ko sa sarili ko “Great Denise! Ginalit mo na ang isa sa mga magiging teacher mo bago pa magsimula ang klase.” Now I’m hoping na hindi nya yun maalala.
Yan lang naman nangyari saken ngayong araw na ‘to. Nakakapagod pero sulit. Nakapag-enroll na ako. Sure na yun. Ang problema na lang is kung anong section ko.
Pinapanood ko kanina yung video ng Jamich about dun sa mga upcoming videos nila ng mapansin ko yung Doppelganger video nila. Dati ko pa nakikita yun pero never ko pinanood kasi according to the description horror daw and I don’t really like horror. Pero naisip ko may kasama naman ako kaya pinanood ko na lang. After watching the video, iniisip ko kung bat ang layo nung kwento sa title. Kanina kasi ang doppelgänger para saken ay double mo. Parang twin mo pero ibang tao sya. Yung yung pagkakaintindi ko kasi dahil sa The Vampire Diaries. Since nagtaka ako kung bat ganun yung title tapos ang layo naman sa kwento, i decided na isearch ko sa google yung meaning. Ang Doppelgänger pala is a paranormal double of a living person, typically representing evil or misfortune. Tama pa rin ako dun sa sinabi ko na parang twin ang doppelgänger. Pero nagbasa pa ako and may mga stories na pag nakita mo o kaya family or friends mo yung doppelgänger mo is may something na mangyayari. It could be either bad or good. Pero mostly ng nabasa ko is yung mga nakakita daw sa sarili nilang doppelgänger is namatay. And madami pang nakalagay na creepy stuff.
After reading this, I suddenly got scared. I always thought na cool magkaron doppelgänger dahil sa The Vampire Diaries. Pero ngayon I’m absolutely afraid to even think about it. Ito yung reason kung bakit di ako masyadong nanonood ng horror eh. Mabilis ako matakot. I know that its silly but I can’t help wondering if it’s true.
So, eto ako ngayon, nakakarinig ng mga creepy sounds na probably gawa-gawa lang ng isip ko. Hehe. I keep looking at my back na nga eh. Feeling ko may nasunod or natingin saken. I think mahihirapan ako makatulog ngayon. Hayss. Jamich kase eh. Kung hindi ko napanood yung video na yun, siguro hanggang ngayon ang tingin ko lang sa word na doppelgänger is double mo. Wala yung mga nakakatakot na bagay about it. Oh well, at least alam ko na talaga yung meaning ng word na yun.